_ngayon
^

Probinsiya

13 dedo sa COVID-19 sa Bulacan

Pilipino Star Ngayon
13  dedo sa COVID-19 sa Bulacan
Sa update ng Municipal Health Office ng Bulakan,alas-5:00 nitong Martes,nakilala ang mga nasawing sina Patient 2186, 2189, 2191, 2204, 2228, 2232, 2240 at 2249 mula sa iba’t ibang barangay.
STAR/ File

BULACAN , Philippines — Walong indibiduwal ang nasawi sa bayan ng Bulakan at lima naman sa bayan ng Baliwag dahil sa COVID-19 sa lalawigang ito.

Sa update ng Municipal Health Office ng Bulakan,alas-5:00 nitong Martes,nakilala ang mga nasawing sina Patient 2186, 2189, 2191, 2204, 2228, 2232, 2240 at 2249 mula sa iba’t ibang barangay.

Nalamang ang mga pasyenteng namatay ay kapwa nadala sa ospital, na-swab at sinasabing may iba pang karamdaman.

Nabatid sa update na nasa 81 indibiduwal ang naitalang panibagong kaso at 41 pasyente naman ang nakarekober sa virus.

Sa tala naman ng Baliwag COVID-19 Bulletin nitong Setyembre 13, kinilala ang limang namatay na sina Patient 4165 residente ng Brgy.Talipayong, 4602 ng Brgy.Tangos, 4716 ng San Roque, 4742 ng Sto.Cristo at 4755 ng Sto. Niño.

Nalamang may naitalang 38 indibiduwal ang nadagdag sa bilang ng bagong kaso at may 71 pasyente naman ang nakarekober sa virus.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with