Kaso ng Delta variant sa CALABARZON 148 na
MANILA, Philippines — May kabuuang 148 kaso ng Delta variant ang naitatala sa CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon).
Ito ang iniulat ng Department of Health (DOH)-CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal and Quezon) Regional Epidemiology and Surveillance Unit (RESU).
Nangunguna rito ang Laguna na may 48 kaso; Cavite na may 44; Rizal, 33; Batangas, 15; at Quezon na may walong Delta variant.
Sinabing mula sa kabuuang bilang, 13 ang nakatanggap ng unang dose; 58 ang walang bakuna; at 81 pa ang beberipikahin.
“Also, from the total number of cases, 102 are local cases, 24 are returning OFWs and 22 are for verification. Napakaimportante na tayo po ay mabakunahan para magkaroon po tayo ng karagdagang proteksyon laban sa virus. Sa datos po ay makikita natin na mas maraming nahahawa na hindi nabakunahan kaya nananawagan po kami sa mga hindi pa nabakunahan na magparehistro na po sa inyong mga LGU upang mabigyan ng bakuna,” saad ni Regional Director Eduardo Janairo.
“Rest assured that the regional office together with the local government units are working together to prevent the further spread of the Covid virus in the region. Continue to follow community health protocols, stay at home, stay safe and get vaccinated!
- Latest