_ngayon
^

Probinsiya

2 OFWs nanganak habang naka-quarantine sa Subic

Jojo Perez - Pilipino Star Ngayon
2 OFWs nanganak habang naka-quarantine sa Subic
Ayon kay Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) Chairman and Administrator Wilma Eisma, ang dalawang Pinay OFW ay kabilang sa 299 pasahero na dumating noong Hulyo 7, 2021 lulan ng Philippine Airlines (PAL) flight PR-5683 mula Dammam, Saudi Arabia.
The STAR/Edd Gumban

SUBIC BAY FREEPORT MANILA, Philippines — Inabutan ng panganganak ang dalawang overseas Filipino workers (OFWs) habang sumasailalim sa quarantine sa isang hotel dito ilang araw makaraang dumating mula Saudi Arabia.

Ayon kay Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) Chairman and Administrator Wilma Eisma, ang dalawang Pinay OFW ay kabilang sa 299 pasahero na dumating noong Hulyo 7, 2021 lulan ng  Philippine Airlines (PAL) flight PR-5683 mula Dammam, Saudi Arabia.

Ayon pa kay Eisma, Hulyo 9 nang mag-labor ang isang 32-anyos na ginang na residente ng Cavite at kaagad na dinala sa isang government hospital kung saan siya nanganak.

Kinabukasan, isa pang buntis na 36-anyos na tubong North Cotabato ang nanakit din ang tiyan at kaagad na dinala sa hospital ng lungsod para manganak.

“Our information from the One-Stop-Shop Command at the Subic airport was that both deliveries went well and that the mothers and their babies were healthy,” Eisma said.

Ayon sa health authorities, kapag makumpleto ang mandatory isolation at magnegatibo ang kanilang RT-PCR test results ay maaari nang ma-discharge ang dalawang bagong panganak na ina sa Subic quarantine facility.

OFW
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with