Drug trader timbog sa P3.4 milyong shabu

COTABATO CITY, Philippines — Arestado ang isang ‘big time’ na tulak droga matapos na mahulihan ng P3.4 milyong halaga ng shabu sa ikinasang operasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at pulisya sa Barangay Sta. Maria, Zamboanga City, iniulat kahapon.

Kinilala ang nahuli na si Benhar Mowa, nasa hustong gulang at nakatira sa Ipil, Zamboanga Sibugay.

Ayon kay Jury Rocamora, pinuno ng PDEA-Zamboanga City naaresto ang suspek alas-7:55 ng gabi kamakalawa sa parking lot ng isang shopping mall sa lugar sa ikinasang anti-drug operation.

Bukod sa 500 gramo ng shabu na nakalagay sa kahon ng face mask, nakuha rin sa suspek ang dalawang smart phones, isang analog phone at identification card (ID).

Ang suspek ay kasapi umano ng drug syndicate na may mga kalakaran sa Northern Mindanao at Cotabato kung saan ang supply ng ilegal na droga ay kinukuha sa Sulu.

Show comments