Tsuper ng dyip tumba sa buy-bust

Ang napatay na drug suspect ay kinilala ni P/Lt. Col. Heryl Bruno, hepe ng pulisya rito, na si Rodrigo Salazar alyas “Protacio”, 27-anyos, may-asawa at ng Brgy. La Torre, ng bayang ito, at kabilang sa sinasabing nasa drugs watchlist bilang pusher/user.
STAR/ File

TALAVERA, Nueva Ecija, Philippines — Patay ang isang jeepney driver na tulak umano ng ilegal na droga makaraang makipagbarilan sa mga pulis sa isinagawang buy-bust ­operation sa Brgy. Pob­lacion Sur, dito, ka­makalawa ng hapon.

Ang napatay na drug suspect ay kinilala ni P/Lt. Col. Heryl Bruno, hepe ng pulisya rito, na si Rodrigo Salazar alyas “Protacio”, 27-anyos, may-asawa at ng Brgy. La Torre, ng bayang ito, at kabilang sa sinasabing nasa drugs watchlist bilang pusher/user.

Nabatid na ilang buwan na umanong under surveillance ang suspek hanggang sa makati­yempo ang otoridad at isinagawa ang operasyon bandang alas-5:30 ng hapon noong Biyernes sa naturang lugar.

Katuwang ng Talavera Police-Drug Enforcement Unit ng Nueva Ecija Provincial Police Office, kung saan nagresulta ng kamatayan ng suspek matapos manlaban umano ito nang matunugan na pulis ang kanyang ka-transaksyon.

Nakuha sa lugar ang tatlong plastic sachet ng shabu na nasa 15-gramo at nagkakahalaga ng P102,000; isang caliber pistol na walang serial number; ilang basyo ng caliber .9mm at isang kulay itim na motorsiklong Rusi ng suspek. 

Show comments