_ngayon
^

Ex-convict nanugod, kinatay ng kagawad

Jorge Hallare (Pilipino Star Ngayon) - June 22, 2021 - 12:00am

MATNOG, ­Sorsogon, Philippines — Malalalim na saksak at taga sa katawan at ulo ang agad ikinasawi ng isang ex-convict matapos saksakin at pagtatagain ng barangay kagawad makaraang manugod ang una ng bahay sa Brgy. Sisigon ng ba­yang ito kamakalawa ng gabi.

Isang saksak sa tiyan at dalawang taga sa ulo ang agarang ikinasawi ng biktimang si Martin Glipo Honra, 62-anyos, residente ng naturang barangay na sinubukan pang isugod sa Matnog Medicare Hospital.

Sumuko naman sa mga rumespondeng pulis ang suspek na si Kagawad Arvin Guevarra Regidor, 44-anyos, residente sa nasabing barangay.

Sa ulat, dakong alas-10 ng gabi sa hindi malamang dahilan habang lango sa alak at armado ng itak puwersahang pumasok ang biktima sa bahay ng pamangking si Ernie ­Honra Gipoleo, 41-anyos at tinangka umanong patayin ito pati ang apong si Jassen,16-anyos at barangay tanod na si Vicente Tapili.

Sa gitna nang kaguluhan ay humingi ng saklolo ang mga biktima sa suspek na katabing bahay lang. Gayunman, nang rumesponde ang kagawad ay agad siyang binalingan at tinangkang tagain ng biktima sanhi upang magpambuno sila hanggang sa maagaw ng opisyal ang itak saka sinaksak sa katawan at dalawang beses tinaga sa ulo ang ex-covict.

KRIMEN PATAY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with