^

Probinsiya

‘Shabu queen’, 1 pa timbog sa drug ops

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

CAMALIGAN, Camarines Sur, Philippines — Kalaboso ang isang 63-anyos na tinaguriang “Shabu Queen” kasama ang isang habal-habal dri­ver matapos na kapwa maaresto sa ikinasang buy-bust operation ng mga pulis sa Zone-7, Brgy. Dugcal ng ba­yang ito kahapon ng umaga.

Kinilala ang mga suspek na sina Emarita Escano Chica, residente ng Brgy. Mangayawan, Canaman at Rommel Dichoso, 28-anyos.

Sa ulat, pasado alas-5 ng umaga kumagat ang suspek sa inilatag na buy-bust operation ng Drug Enforcement Unit ng Camaligan Municipal Police.

Dumating ang target na si Chica sa lugar ng transaksyon at angkas sa motorsiklo ni Dichoso. Nang iabot ng suspek sa poseur buyer ang biniling isang sachet ng shabu sa halagang P1,500 ay mabilis siyang inaresto ng mga nakatagong ope­ratiba.

Maliban sa biniling droga, nakuha sa binansagang shabu queen ang isang plastik ng yelo na may lamang shabu na nagkakahalaga ng P90,000.

Pati ang habal-habal driver ay inaresto rin at nang kapkapan, nakuhanan pa ng kalibre 38 baril at mga bala habang na-impound pati ang gamit nilang motorsiklo.

vuukle comment

BUY-BUST OPERATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with