_ngayon
^

Bangka lumubog sa Sulu: 24 nasagip

Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - June 16, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nasa 24 katao ang nasagip matapos na lumubog ang kanilang sinasakyang bangka sa karagatang sakop ng Bitinan Island, Banguingui, Sulu kahapon  ng madaling araw.

Kinilala ang mga nasagip na sina Arnin G. Jairul, 26; Habibjain U. Manayo, 26; Fatima Santos F. Ong, 61; Abdulmalik Maulurana, 30; Alsana Maulurana, 41; Eddie John Shun 25; Moh Elis Utoeglis, 55; Elibel S. Utoeglis, 30; Ahmed Deedat U. Isnani, 33; Asri Imbang, 22; Subtal Alih, 24; Akrim Abdulhakim, 46; Suhaili Darkin, 26; Ronnellio Moh. Hassan, 33; Jalil Dandahani, 22; Hja. Diantoy L. Assiong, 56; Adelie O. Mohammadbakie, 38; Mohammad Said Bennaser, 26, at captain Mohammad Ali S. Assiong.

May limang pasahero naman ang nauna nang tumalon sa bangka na kalaunan ay nasagip din na kinilalang sina Alnajin Najalin, 46; Shemafadz Paraakka, 36; Madsino Dirih, 43; Bensaid Mohammad Said, 21; at Radzwida Pitung, 21.

Ayon kay Colonel Hernanie Songano, kumander ng Naval Task Group Sulu, nagkaroon ng engine trouble sa gitna ng dagat ang nasabing bangka sabay pinaghahampas ng mga alon sanhi ng paglubog nito.

ARNIN G. JAIRUL
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with