4 pang turista sa Boracay inaresto sa pekeng RT-PCR test result

Matatandaang Sa­bado ng umaga nang pitong turista ang nahuling nameke ng RT-PCR test results kasunod ng muling pagbukas ng Boracay sa mga turista mula sa NCR plus.
The STAR/Miguel De Guzman, file

MANILA, Philippines — Apat na turista na bagong dating sa Boracay ang inaresto matapos gumamit umano ng pekeng negatibong RT-PCR swab results .

Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 11332 o Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Article 172 ng Recised Penal Code o falsification of documents ang naturang mga turista na hindi muna pinangalanan.

Ayon kay Lt. Col. Don Dicksie De Dios, hepe ng Malay municipal police station dalas-6:00ng gabi nitong Martes sa Tabon Port pa lamang sa Caticlan ay pinigilan na ang mga ito matapos makumpirma ng validating team na peke ang kanilang mga dokumento.

Agad na dinala ang mga ito sa quarantine facility sa Kalibo at isinailalim sa swab test.

Ang mga turista ay nagmula sa National Capital Region (NCR) na magbabakasyon sana sa Boracay.

Matatandaang  Sa­bado ng umaga nang pitong turista ang nahuling nameke ng RT-PCR test results kasunod ng muling pagbukas ng Boracay sa mga turista mula sa NCR plus.

Show comments