2 motor nagsalpukan: Rider dedo, 3 sugatan

Nagtamo ng grabeng pinsala sa ulo at katawan ang biktimang si Feli­zardo Havacero, 36, ng Alabat, Quezon sanhi ng kanyang kamatayan samantalang nilalapatan ng lunas sa Alabat District Hospital sa tinamong mga sugat sa katawan sina Clinton Ignacio, 28, driver ng Yamaha Sniper 150 na nakabangga sa una at ang magkapatid na menor-de edad na itinago sa mga pangalang Francesca, 15, at Franchin, 9-anyos.
STAR/ File

PEREZ, Quezon, Philippines —  Patay ang isang rider habang tatlong iba pa ang nasugatan makaraang magbanggaan ang magkasalubong na motorsiklo sa highway sa Brgy. Mainit Sur ng bayang ito, kama­kalawa ng madaling araw.

Nagtamo ng grabeng pinsala sa ulo at katawan ang biktimang si Feli­zardo Havacero, 36, ng Alabat, Quezon sanhi ng kanyang kamatayan samantalang nilalapatan ng lunas sa Alabat District Hospital sa tinamong mga sugat sa katawan sina Clinton Ignacio, 28, driver ng Yamaha Sniper 150 na nakabangga sa una at ang magkapatid na menor-de edad na itinago sa mga pangalang Francesca, 15, at Franchin, 9-anyos.

Ayon sa ulat ng pulisya, binabagtas ni Ignacio ang kahabaan ng highway dakong alas-12:30 ng madaling araw nang mawalan ito ng kontrol sa manibela at binangga ang kasalubong na Racal motorcycle ng mga biktima.

Tumilapon sa kalye ang mga biktima dahil sa lakas ng salpukan.

Show comments