Rider nasabitan ng trak, todas

Hindi na umabot pa ng buhay sa pagamutan ang biktimang si Rolando Salinas, 48, residente ng Diezmo Rd. Pulo,Cabuyao, Laguna.
STAR/File

TAGAYTAY CITY, Cavite, Philippines — Patay ang isang rider matapos makaladkad mula sa pagkakasabit dito ng kanyang motor sa kasabayang dump truck habang binabagtas ang kahabaan ng Tagaytay-Nasugbu Highway at Brgy. Silang Crossing West, Tagaytay City, kahapon ng umaga.

Hindi na umabot pa ng buhay sa pagamutan ang biktimang si Rolando Salinas, 48, residente ng Diezmo Rd. Pulo,Cabuyao, Laguna.

Arestado naman ang driver ng truck na nakilalang si Ernesto Meneses, 50, residente ng Brgy. Bendita 1 Magallanes, Cavite.

Sa imbestigasyon ng pulisya, alas-9:30 ng umaga nang maganap ang insidente kung saan kapwa bumabagtas sa isang direksyon ang biktima na minamaneho ang kaniyang motorsiklo (YA-7148) na plate number YA-7148 at Howo dump truck (NGT-1547) na minamaneho ng suspek.

Nasakop umano ng biktima ang outer lane ng kalsada habang nasa inner lane ang nasabing trak nang bigla umanong kumabig pakanan ang trak dahilan upang masabitan nito ang motor ng biktima at nakaladkad ito. Agad namang naitakbo sa Ospital ng Tagaytay ang biktima,subalit idineklang dead-on-arrival.

Show comments