_ngayon
^

Mister pinatay sa harap ng misis

Jorge Hallare (Pilipino Star Ngayon) - May 18, 2021 - 12:00am

CAWAYAN, Masbate , Philippines — Duguang bumulagta sa kalsada ang isang 56-anyos na magsasaka matapos pagbabarilin sa harap ng kanyang asawa ng tatlong hindi nakilalang lalaki sa Purok-4, Brgy.Villahermosa ng bayang ito kamakalawa ng umaga.

Napuruhan ng ­punglo sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktimang si Conrado Veraces Pitogo at agad nasawi habang hindi sinaktan o idinamay ang misis nito na si Vicenta ng tatlong salarin na agad tumakas matapos ang pamamaril.

Sa ulat, dakong alas-9:10 ng umaga sakay ng motorsiklo ang mag-asawa patungo sana sa Brgy. Divisoria ng nasabing bayan at binabagtas ang kahabaan ng highway nang parahin sila sa gitna ng kalsada ng tatlong armadong suspek.

Pagtigil ng mag-asawa, walang kaabog-abog na pinagbabaril ang mister sanhi ng agaran nitong pagkasawi.

KRIMEN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with