Drug den ni-raid,10 nalambat

Kinilala ang mga suspek na sina Reynan Ombal, 31; Adonis Gregorio, 21; Ca­therine Valdivia, 39; Patricia Sampe, 25; Raymund Del Rosario, 25; Ervin Gozon, 31; Danica Jardinel, 23; Navidad Capagalan, 33; Richard Lampaniso, 24; Lito Gonda, 21; at Jose Howell Lamario, 45.
KJ Rosales/ File

ANGELES CITY. Pampanga, Philippines — Arestado ang 10  katao matapos salakayin ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang dalawang hinihinalang drug den sa A.Santos, Brgy.Balibago ng lungsod na ito,kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang mga suspek na sina Reynan Ombal, 31; Adonis Gregorio, 21; Ca­therine Valdivia, 39; Patricia Sampe, 25; Raymund Del Rosario, 25; Ervin Gozon, 31; Danica Jardinel, 23; Navidad Capagalan, 33; Richard Lampaniso, 24; Lito Gonda, 21; at Jose Howell Lamario, 45.

Nasamsam sa operas­yon ang nasa 35 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P238.000.00, pinatuyong dahon ng marijuana,assorted drug paraphernalia,at perang ginamit sa nasabing operasyon

Isinailalaim na sa drug test ang mga naaresto at sasampahan ng kaso dahil sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Show comments