Bahay ng negosyante, nilamon ng apoy

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Naabo ang bahay ng isang negosyante sa Barangay San Gabriel sa lungsod na ito matapos lamunin ng apoy kamakalawa ng gabi.

Ayon sa ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP)-Tuguegarao City, ang nasabing bahay na tinupok ng apoy ay pag-aari ni Benjamin Daquial Collado, 39, na matatagpuan sa Main Avenue corner Lakandula sa nasabing lugar.

Ayon kay Fire Chief Inspector Fernando Noel De Leon ng BFP-Tuguegarao City, ang sunog ay naitala,alas-7:12 ng gabi at naapula alas- 7:48 ng gabi dahil na rin sa mabilis na pagresponde ng ibat-ibang mga kasapi ng pamatay sunog mula sa mga kalapit na bayan.

Kasalukuyan pa rin ang imbestigasyon ng mga otoridad para malaman kung ano ang naging sanhi ng sunog at kung magkano ang pinasala sa naabong tahanan.

Show comments