71-anyos lola sinalpok ng motor, patay

MALILIPOT, Albay, Philippines — Nagkalasug-lasog ang katawan ng isang 71-anyos na lola matapos mabangga ng motorsiklo habang patawid sa national highway ng Purok-4, Brgy.San Jose ng bayang ito kamakalawa ng gabi.

Sinubukan pang isugod ng mga kaanak sa Ziga District Hospital sa Tabaco City pero idineklarang dead-on-arrival ang biktimang si Isabelita Bisco Volante, residente ng nasabing lugar.

Sa ulat, dakong alas-6:45 ng gabi habang tumatawid ng kalsada ang matanda nang mabangga ng humaharurot na walang plakang motorsiklo na minamaneho ni Mario Fernandez Borbe, 33-anyos, residente ng Purok-1, Brgy. Poblacion.

Sa lakas ng pagkakabangga, walang malay at duguang bumagsak sa kalsada ang matanda na agad sinaklolohan ng mga saksi pero hindi na umabot nang buhay sa pagamutan.

Show comments