_ngayon
^
P11 milyong marijuana, muling winasak sa Kalinga
Sa report ng Kalinga police provincial na nakabase sa lungsod na ito, 3 plantasyon ang winasak ng pinagsanib na puwersa ng Kalinga Police Provincial Office, RID/RPDEU PROCOR, Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Kalinga, Criminal Investigation and Detection Group (CIDG)-Kalinga, at Naval Forces, Northern Luzon sa dalawang araw nilang operasyon sa Barangay Loccong nitong Martes at Miyerkules.
Miguel de Guzman, file

P11 milyong marijuana, muling winasak sa Kalinga

Victor Martin (Pilipino Star Ngayon) - May 7, 2021 - 12:00am

TABUK CITY, Kalinga , Philippines —  Muling winasak ng mga awto­ridad ang nasa P11 milyong halaga ng marijuana matapos ang dalawang araw na operasyon Barangay Loccong sa bayan ng Tinglayan sa lalawigang ito.

Sa report ng Kalinga police provincial na nakabase sa lungsod na ito, 3 plantasyon ang winasak ng pinagsanib na puwersa ng Kalinga Police Provincial Office, RID/RPDEU PROCOR, Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Kalinga, Criminal Investigation and Detection Group (CIDG)-Kalinga, at Naval Forces, Northern Luzon sa dalawang araw nilang operasyon sa Barangay Loccong nitong Martes at Miyerkules.

Sa kabuuan ay humigit kumulang sa 55,000 puno ng malalaking marijuana ang kanilang sinunog at winasak mula sa 5,500 square meters na mga plantasyon.

Nabigo naman na madakip ng mga operatiba ng pulisya ang mga nagtanim o may-ari sa mga plantasyon matapos matunugan ang pagdating ng mga awtoridad.

Batay sa ulat ng pulisya, umabot na sa 13 marijuana eradication operations ang isinagawa ng mga awtoridad simula nitong January 2021 at milyun-milyon na rin halaga ng plantasyon at marijuana ang kanilang winasak.

PDEA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with