Senior citizen todas sa sungay ng kalabaw

Ayon kay Daniel Cabillon, kaibigan ng pamilya Calaque, pagkatapos niyang magtrabaho ay inaya pa nito si tatay Tranquiliro na mag-agahan at umuwi sa kanilang bahay pasado alas-8 ng umaga.
STAR/ File

KORONADAL CITY, Philippines — Kalunos-lunos ang sinapit ng isang 83-anyos na senior citizen na magsasaka matapos itong sinuwag ng kalabaw sa Prk. Mabinuligon, Brgy. Topland sa lungsod na ito, kahapon ng umaga.

Kinilala ang biktima na si Tranquiliro Calaque, residente ng naturang lugar.

Ayon kay Daniel Cabillon, kaibigan ng pamilya Calaque, pagkatapos niyang magtrabaho ay inaya pa nito si tatay Tranquiliro na mag-agahan at umuwi sa kanilang bahay pasado alas-8 ng umaga.

Nagulat na lang siya ng ipinaalam sa kaniya na sinuwag ng sariling kalabaw ang biktima na nagtamo ng maraming sugat sa katawan at binti na naging dahilan ng kaniyang kamatayan.

Plano ng misis ng biktima na si Carolina na ibenta na lang ang naturang kalabaw na nakapatay sa kanyang mister.

Show comments