^

Probinsiya

COVID-19 mega facility sa subic freeport binuksan

Jojo Perez - Pilipino Star Ngayon

SUBIC BAY FREEPORT , Philippines — Binuksan kamakalawa ang 12-ektaryang Mega Facility  sa Cubi Point, Subic Bay Freeport  Zone para sa mga pasyente na tinatamaan ng COVID-19 na hindi na tinatanggap sa mga ospital sa Metro Manila at mga karatig lugar.

Sa ginanap na inauguration rites  na pinangunahan ni Bases Conversion and Development  Authority (BCDA) President Vince Dizon, tinawag niya itong “We Heal As One Center” bilang  bagong treatment at monitoring facility na mayroong 500-bed capacity para sa mga pasyenteng may severe symptom ng virus.

Sinabi naman ni Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) Chairman and Administrator Wilma T. Eisma na mayroong 34 hospital bed  mula sa kanilang   DOH certified isolation facility sa Subic Gym ang kanilang ililipat sa bagong bukas na mega facility bilang kontribusyon ng kanilang ahensya.

Idinagdag pa ni Eisma na mayroon din mga hospital bed na nakalaan sa bagong bukas na pasilidad para sa mga  Subic Freeport stakeholders,residente, business locators at mga empleyado ng SBMA na tatamaan ng COVID-19.

Siniguro naman ni Eisma sa publiko na ang bagong bukas na pasilidad na nasa Cubi Point  na dating ospital ay nasa remote area upang matiyak ang kaligtasan ng lahat at mahigpit din umano nilang ipinatutupad ang health protocol sa freeport.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with