^

Probinsiya

Municipal mayors humirit din na mabakunahan

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon
Municipal mayors humirit din na mabakunahan
Ayon kay Narvacan Mayor Luis “Chavit” Singson­, LMP national president, ang kanilang apela sa Pa­ngulo ay para sa proteksyon ng kalusugan ng bawat mayor sa buong bansa dahil sa uri ng kanilang trabaho bilang mga frontliners.

ILOCOS SUR, Philippines — Umapela ang League of Muni­cipalities of the Philippines (LMP) na binubuo ng 1,400 municipal mayor sa buong bansa kay Pa­ngulong Rodrigo Duterte na isama sila sa priority list bilang mga frontliners para sa COVID-19 vacci­nation program ng pamahalaan.

Ayon kay Narvacan Mayor Luis “Chavit” Singson­, LMP national president, ang kanilang apela sa Pa­ngulo ay para sa proteksyon ng kalusugan ng bawat mayor sa buong bansa dahil sa uri ng kanilang trabaho bilang mga frontliners.

“Mayors are active frontliners taking the lead in ensuring the health and medical wellbeing of their constituents. They also supervise social amelioration programs and the distribution of relief goods to af­fected constituents and in overseeing the functiona­lity of the local IATFs, including the operations of isolation facilities and the municipality’s Temporary Treatment and Monitoring Facilities (TTMF) as mandated by the national government,” pahayag ni Singson.

Ayon kay Singson, marami na sa mga alkalde sa bansa ang tinamaan ng nasabing virus habang ginagampanan ang kanilang trabaho, kung saan ang iba ay kasalukuyang nasa mga hospital at isolation facilities habang binawian na rin ng buhay ang iba dahil sa COVID-19.

“Mayors first and foremost ensure that they are strong and healthy to protect their people and fight for them.  People rely on their chief executives to safeguard their communities. A COVID-infected mayor is tantamount to a disruption in the management of COVID-response in the locality, thus this appeal to include our mayors in the vaccination priority list,” paliwanag ni Singson.

LMP

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with