_ngayon
^

Lalaki na may sakit sa isip dedo sa pulis

Jorge Hallare (Pilipino Star Ngayon) - March 12, 2021 - 12:00am

CALABANGA, Camarines Sur, Philippines — Napatay ang isang lalaking may sakit sa pag-iisip matapos na mabaril ng rumespondeng pulis makaraang tagain ang isang barangay tanod at pulis sa Brgy.Bigaa, Calabanga sa lalawigang ito,kamakalawa ng gabi.

Ang suspek na napatay dahil sa tama ng bala sa katawan ay kinilalang si Agapito Robles Catimbang Jr.,nasa hustong gulang, kilalang may sakit sa pag-iisip at residente ng nasabing lugar.

Nagpapagaling na sa tinamong mga sugat sa katawan ang pulis na si Staff Sgt.Russel Pron at barangay tanod Danilo Ducusin.

Sa ulat,alas-7:05 ng gabi sa hindi malamang dahilan ay biglang nagwala sa kanilang lugar ang suspek habang armado ng itak.

Agad rumesponde ang tanod na si Ducusin at si SSg.Pron at pilit na pinapayapa ang suspek, gayunman ay sinugod nito at pinagtataga sa katawan ang barangay tanod at pulis dahilan para ito barilin na agaran niyang ikinamatay.

PULIS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with