2 bangkay ng lalaki itinapon sa kalsada

TIAONG,Quezon, Philippines — Dalawang hindi pa nakikilalang lalaki na biktima ng summary exe­cution o salvaging ang natagpuan sa barangay road na sakop ng Sitio Aguirra, Barangay Cabay sa bayang ito, kamakalawa ng umaga.

Ang mga biktima ay kapwa may mga tama ng bala ng caliber 9MM sa iba’t ibang parte ng katawan nang matagpuan ng mga re­sidente, alas-7:00 ng umaga.

Ayon kay PLt.Col.Dennis De leon, chief of police dito, walang nakitang ID o mapagka­kakilanlan ang mga biktima.

Ang isa sa kanila ay katamtaman ang pa­ngangatawan, nakasuot ng itim na T-shirt na may tatak na BLBG Hood Since day one at kulay pulang nike short, tina­tayang umeedad ng 20-anyos at may taas na 5’2.

Malaki naman ang katawan ng ikalawang biktima, nakasuot ng kulay itim na t-shirt na tribal camouflage, nakashort na kulay gray at itim, may tattoo na “Only time can tell” sa kaliwang siko at dragon sa kanang siko at may taas na 5’5.

Bukod sa mga tama ng bala sa katawan ay ka­pwa binalutan ng mas­king­ tape ang mga ulo ng mga biktima at pa­reho ring pinuluputan ng kawad ang kanilang mga leeg.

Show comments