^

Lider ng drug group, 1 pa todas sa buy-bust

Christian Ryan Sta. Ana (Pilipino Star Ngayon) - March 4, 2021 - 12:00am

NUEVA ECIJA, Philippines — Kapwa namatay ang isa umanong lider ng illegal drug group at isa pang suspek nang manlaban sa mga awtoridad sa magkahiwalay na buy-bust operation noong Martes sa lalawigang ito.

Kinilala ni San Isidro town police chief Major Joel dela Cruz, ang suspek na si Alfie Tuazon ng nasabing bayan at lider ng “Alfie Tuazon Grug Group”, na nag-ooperate sa katimugang bahagi ng Nueva Ecija.

Alas-10 ng umaga, ikinasa ng San Isidro Police ang buy-bust sa Brgy. San Roque laban kay Tuazon. Nakatunog umano ang suspek na pulis ang katransakyon kaya tumakbo papasok sa bahay ng isang Marlyn Santiago. Nang makorner ng mga pulis, agad nagpaputok ang suspek sanhi ng shootout na kanyang ikinabulagta.

Narekober dito ang isang caliber .9mm pistol, 1 sachet ng umano’y shabu at P1,000 marked money.

Sa Cabanatuan City, isa pang drug peddler ang napatay matapos umanong makipagba­rilan sa pulisya sa isinagawang buy-bust sa Brgy. Concepcion, alas-8:40, Martes ng gabi.

Kinilala ni P/Lt. Col. Barnard Danie Dasugo, hepe ng pulisya rito, ang napatay na suspek na si Dennis Enage ng Sitio Embuscado, Brgy. Concepcion.

Narekober sa crime scene ang isang caliber .45 pistol, 2 fired cartridge case, isang plastic sachet ng shabu, P1,000 marked money at motor­siklong Kawasaki na gamit ng suspek.

JOEL DELA CRUZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with