^

Probinsiya

Vice mayor at engineer itinumba sa munisipyo, task group binuo

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Vice mayor at engineer itinumba sa munisipyo, task group binuo
Ang mga biktima ay pinagbabaril ng hindi pa natukoy na gunman sa harapan ng municipal hall ng nasabing bayan bandang alas-3:05 ng hapon.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Bumuo na ng Special Investigating Task Group (SITG) ang Police Regional Office (PRO)-9 hinggil sa kaso ng pamamaslang sa isang bise alkade at municipal engineer habang isa pa ang malubhang nasugatan matapos silang pagbabarilin ng hindi pa nakilalang gunman sa harapan ng municipal hall ng Mabuhay, Zambonga Sibugay nitong Biyernes ng hapon.

Kinilala ni PRO 9 Spokesman P/Captain Edwin Duco ang mga nasawing biktima na sina Mabuhay Vice Mayor Restituto Calonge, municipal Engineer Edgar Pampanga na pawang dead-on-the-spot sa insidente.

Patuloy namang nilalapatan ng lunas sa pagamutan ang nasugatang biktima na si Abduhari Gapor.

Ang mga biktima ay pinagbabaril ng hindi pa natukoy na gunman sa harapan ng municipal hall ng nasabing bayan bandang alas-3:05 ng hapon.

Base sa imbestigasyon, kasalukuyang nag-uusap ang mga biktima sa isang mesa sa ilalim ng puno ng mangga sa harapan ng munisipyo nang biglang sumulpot ang armadong suspek at pinaulanan sila ng bala.

Narekober sa crime scene ang mga basyo ng bala ng cal. 45 pistol na siyang ginamit ng salarin sa pamamaslang.

Patuloy rin ang pagtugis sa salarin na nakita ng mga testigo na tumakas sakay ng kulay itim na Honda XRM 125 motorcycle.

vuukle comment

SITG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with