Digital cable TV installer dedo sa ambush

Ayon sa imbestigas­yon, dakong alas-2:30 ng hapon nang tambangan ang biktima sa Purok 18, Sitio Cabanuangan, Brgy. Poblacion habang nagmamaneho sa nasabing lugar ng kanyang kulay asul na motorsiklong Yamaha Mio ng hindi pa nakilalang mga armadong salarin.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Patay ang isang 31-anyos na digital cable tv installer matapos na tambangan ang pagbabarilin ng hindi pa nakilalang mga salarin sa naganap na pananambang sa Brgy. Poblacion, Valencia City, Bukidnon nitong Biyernes ng hapon.

Sa ulat na tinanggap ni P/Col. Jun Mark Lagare, director ng Bukidnon Porvincial Police Office, kinilala ang nasawi na si Rommil Acat ng Purok 7, Poblacion ng lungsod.

Ayon sa imbestigas­yon, dakong alas-2:30 ng hapon nang tambangan ang biktima sa Purok 18, Sitio Cabanuangan, Brgy. Poblacion habang nagmamaneho sa nasabing lugar ng kanyang kulay asul na motorsiklong Yamaha Mio ng hindi pa nakilalang mga armadong salarin.

Sa pahayag ng manggagawa sa tubuhan na si Marisa Oliaman, 45- anyos , kasalukuyan silang abala sa pagtatanim ng tubo nang makarinig sila ng sunud-sunod na putok sa tabi ng highway.

Nang kanilang puntahan ang lugar, nakita nilang nakalugmok ang biktima na may mga tama ng bala sa kaliwang bahagi ng ulo at kaliwang dibdib.

Sinaklolohan ng mga magsasaka sa tubuhan ang biktima at isinugod sa Valencia City Adventist Hospital pero idineklara siyang dead-on-arrival dakong alas-5:06 ng hapon.

Ayon kay P/Lt . Col. Cipriano Bazar Jr., hepe ng Valencia City Police nagsasagawa na ng masusing imbestigasyon sa motibo ng krimen.

Show comments