2 dayo tumba sa buy-bust

Kinilala ni P/Capt. Ronan James Eblahan, hepe ng pulisya rito, ang isa sa nasawing suspek na si Jeffrey Sumang ng Brgy. Bangad, Cabanatuan City habang bineberipika pa ang pangalan ng kasabwat nito.
STAR/File

LUPAO, Nueva Ecija, Philippines — Napatay ang dalawang lalaki na dumayo pa umano upang magtulak ng droga makaraang manlaban sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Brgy. Parista ng bayang ito, kamakalawa ng madaling-araw.

Kinilala ni P/Capt. Ronan James Eblahan, hepe ng pulisya rito, ang isa sa nasawing suspek na si Jeffrey Sumang ng Brgy. Bangad, Cabanatuan City habang bineberipika pa ang pangalan ng kasabwat nito.

Sa ulat, alas-3:40 ng madaling-araw nang isagawa ang buy-bust laban sa dalawang suspek.

Sa kasagsagan ng transaksyon, nakahalata umano ang dalawa hanggang sa kumasa at pinaputukan ang poseur buyer na mabilis na nakailag hanggang sa mauwi na sa engkuwentro nang tumulong ang mga nakapaligid na pulis.

Bumulagta ang mga suspek at narekober sa kanila ang dalawang kalibre .38 revolver, isang sachet ng umano’y shabu, apat na fired cartridge cases ng cal. 9mm, motorsiklo na Suzuki Smash ng mga suspek at P500 marked money.

Show comments