^

Probinsiya

60 bayan sa Cagayan Valley, tinamaan ng ASF

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon
60 bayan sa Cagayan Valley, tinamaan ng ASF
Sa ipinalabas na datos kamakalawa ng nasabing ahensya, nasa 519 na barangay mula sa 60 na bayan ang tinamaan ng ASF kung saan uma­bot na rin sa mahigit 42,000 na baboy ang isinailalim sa culling o pagpatay.
AFP/File

SANTIAGO CITY, Isabela, Philippines — Umakyat na sa kabuuang 60 na munisipalidad o bayan sa buong Cagayan Valley (Region-2) ang apektado ngayon sa second wave ng African Swine Fever (ASF), ayon sa pinakahuling ulat ng Department of Agri­culture (DA).

Sa ipinalabas na datos kamakalawa ng nasabing ahensya, nasa 519 na barangay mula sa 60 na bayan ang tinamaan ng ASF kung saan uma­bot na rin sa mahigit 42,000 na baboy ang isinailalim sa culling o pagpatay.

Sa nasabing datos, pinakamaraming lugar at baboy na tinamaan ng nasabing sakit ay sa Isabela na may 53%, Nueva Vizcaya, 20%; Cagayan, 16.67% at Quirino, 10%.

Umabot sa 7,015 katao na karamihan ay mga magsasaka ang malubhang naapektuhan at na­walan ng kabuhayan sa buong rehiyon dahil sa patuloy na pananalasa ng ASF.

Sa ngayon, tanging ang lalawigan na lamang ng Batanes ang nananatiling ASF free sa buong Cagayan Valley.

vuukle comment

AFRICAN SWINE FEVER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with