^

Probinsiya

Bomba sumabog: Rider utas, angkas kritikal

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Bomba sumabog: Rider utas, angkas kritikal
Dead-on-the-spot si Alberto delos Santos, residente ng Barangay Purikay, Lebak, Sultan Kudarat habang gina­gamot sa Cotabato Regional and Medical Center sa Cotabato City ang backrider na si Loreto Palma Jr., 54, dahil sa mga tinamong shrapnel wounds.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Sumambulat ang isang rider habang kritikal ang kanyang angkas matapos sumabog ang isang improvised explosive device (IED) habang bumabagtas sa national road patungong downtown sa South Upi, Maguindanao kahapon ng umaga.

Dead-on-the-spot si Alberto delos Santos, residente ng Barangay Purikay, Lebak, Sultan Kudarat habang gina­gamot sa Cotabato Regional and Medical Center sa Cotabato City ang backrider na si Loreto Palma Jr., 54, dahil sa mga tinamong shrapnel wounds.

Sa imbestigasyon, dakong alas-5:45 ng umaga habang sakay ng motorsiklo ang mga biktima papuntang Cotabato City para sa medical checkup nang biglang sumabog ang bomba na posibleng itinanim o inihagis ng mga rebeldeng grupo sa lugar.

Ayon sa isang residente sa Brgy. Romangaob, nagising sila sa lakas ng pagsabog.

Agad kinondena ni South Upi Mayor Reynalbert Insular ang insidente. Pero makalipas lang ang anim oras, isa pang pagsabog ang naganap sa palengke ng South Upi. Wala namang naiulat na nasugatan o namatay sa insidente.

Duda ni Insular, planong pasabugin ng mga suspek ang cell tower malapit South Upi.

Matatandaang nakaligtas sa ambush at pagsabog kamakailan si Insular sa Pilar Village matapos ang pagbisita nito roon. Ito ang ikalong beses na tinangka siyang itumba na nagsimula noong 2016. Ang nasabing village ay target umano ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF).— Rhoderick Beñez

vuukle comment

IED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with