^

Probinsiya

Hitman ng NPA tumba sa Isabela

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY,  Cagayan , Philippines — Isang umano’y hitman ng New People’s Army ang napatay matapos manlaban sa mga pulis sa isinagawang pagsalakay sa kanyang hideout sa Brgy. Palacian San Agustin, ­Isabela kahapon.

Sinabi ni Isabela Police director Colonel James Cipriano na nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan si Renato Busania nang salubungin niya ng putok dakong alas-10:00 ng umaga ang mga pulis na may bitbit na arrest warrant na ipinalabas ni RTC Judge Bonifacio Ong noon pang 2007 sa kasong double murder.

Idineklarang patay sa ospital si Busania na nakuhanan ng isang granada bukod pa sa kanyang kalibre 45 na boga.

Sa rekord, si Busania ang tinukoy na berdugo ni Isabela Bayan Muna Secretary General Elena Mendiola at kinakasama nitong si Ricardo Balauag na chairman ng una sa Echague noong 2006. Nag-ugat umano ang pamamaslang dahil sa alitan sa pera. 

vuukle comment

POLICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with