^
Mayor ng Tuguegarao nagpositibo sa COVID-19
Kasama ang mayor sa 1,000 kataong sumailalim sa mass testing sa lungsod noong Huwebes.
Walter Bollozos, file

Mayor ng Tuguegarao nagpositibo sa COVID-19

Raymund Catindig (Pilipino Star Ngayon) - January 24, 2021 - 12:00am

Nakasalamuha ni Gen. Eleazar

TUGUEGARAO CITY , Philippines — Matapos isailalim noong Miyerkules sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang kanyang teritoryo dahil sa paglala ng kaso ng COVID-19, mismong ang alkalde ng lungsod na ito ang hindi pinatawad ng virus matapos siyang magpositibo noong Biyernes.

Sinabi ni City Mayor Jefferson Soriano na maaari siyang nahawa sa mga kawani ng city hall na naunang tinamaan ng virus.

Kasama ang mayor sa 1,000 kataong sumailalim sa mass testing sa lungsod noong Huwebes.

Kabilang sa mga nakadaupang palad ni So­riano ay si PNP Deputy Chief Lt. General Guillermo Eleazar na nagsagawa ng courtesy visit sa tanggapan ng una sa City Hall noong Huwebes.

Bagama’t asymptomatic o walang nararanasang sintomas, si Soriano ay sinundo ng ambulansya mula sa city hall noong Biyernes ng gabi at hinatid sa People’s General Hospital kung saan niya bubunuin ang kanyang paggaling mula sa impeksiyon ng COVID-19.

Nabatid na dalawang araw matapos itaas ang ECQ, nagtala ng 62 bagong kaso ng COVID-19 ang lungsod.

ECQ
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with