2 ‘tulak’ todas sa drug ops sa Cavite

Sa ulat, bulagta matapos manlaban at makipaghabulan sa pulisya ang suspek na si Jomarie Hara Jojo Muslim, 24-anyos ng Tropical Village, Pabahay 2000, Brgy. San Francisco, Gen Trias City, Cavite at nasa SLT target ng pulisya.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Dalawang pinaniniwalaang bigtime na tulak ng ipinagbabawal na droga ang patay matapos na mauwi sa engkuwentro ang magkahiwalay na buy-bust operation ng pulisya sa Gen. Trias City at Gen Mariano Alvarez, Cavite .

Sa ulat, bulagta matapos manlaban at makipaghabulan sa pulisya ang suspek na si Jomarie Hara Jojo Muslim, 24-anyos ng Tropical Village, Pabahay 2000, Brgy. San Francisco, Gen Trias City, Cavite at nasa SLT target ng pulisya.

Dakong ala-1:30 ng hapon nang mapatay ang suspek nang manlaban umano nang matunugang pulis ang poseur buyer ng droga, Siya ang umano’y  res­ponsable sa pamamaril at pagkasawi ng isang Oliver Saabedra nitong Enero 17, ng alas-7 ng gabi sa Gen Trias City. .

Samantala, patay rin dakong alas-3:30 ng madaling araw kahapon sa Brgy. Olaes, Gen. ­Mariano Alvarez ang suspek na si Jeffrie Cornejo alis “Jeff”, 38 ng Brgy. Olae matapos manlaban umano sa buy-bust operation ng GMA Cavite. SDEU na pinangunahan ni P/Major Dennis Villanueva.

Show comments