^

25 Abu Sayyaf sumurender

Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - January 24, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Dumanas ng panibagong dagok ang Abu Sayyaf Group (ASG) matapos  na sumuko sa tropa ng militar ang 25 pa nitong miyembro sa lalawigan ng Sulu, ayon sa opisyal kahapon.

Ang 25 nagsisukong ASG members ay ­iprinisinta kay Defense Secretary Delfin Lorenzana  nina 110st Infantry Brigade  (IB) Commander Col. Antonio Bautista Jr . at Governor Abdusakur Tan sa pagbisita nito sa Sulu nitong Biyernes ng hapon.

Si Lorenzana ay nagtungo sa lalawigan upang samahan si Pa­ngulong Rodrigo Duterte sa “talk to the troops” nito sa 11th Infantry Battalion (IB) ng Philippine Army sa Kuta Heneral Teodolfo Bautista, Jolo.

Sinabi naman ni Joint Task Force (JTF) Sulu Commander Brig. Gen. William Gonzales, ang mga nagsisukong Abu Sayyaf ay mula sa mga bayan ng Patikul, Indanan,Talipao at Parang; pawang sa nasabing lalawigan. Kabilang sa mga sumuko ay si Arsad Hajihil, 60, dating kumander ng Mindanao ASG Central Committee noong dekada 1990.

Si Hajihil ay 25 taong naging miyembro ng ektremistang Abu Sayyaf.

ASG
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with