^

4 barangay sa Tabuk City naka-lockdown

Artemio Dumlao (Pilipino Star Ngayon) - January 19, 2021 - 12:00am

BAGUIO CITY, Philippines — Nagpatupad ang Tabuk City Inter-Agency Task Force (CIATF) on COVID-19 ng lockdown sa apat na barangay sa nasabing lungsod dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19 doon.

Ayon kay Mayor Darwin Estrañero, ang lockdown na nagsimula kahapon, Enero 18, sa Brgys. Bulanao Centro, Bulanao Norte, Agbannawag, at Bado Dangwa ay tatagal ng limang araw

Ang lockdown sa nasabing mga lugar ay katumbas ng pinakamahigpit na Enhanced Community Quarantine (ECQ) status kung saan ipinagbabawal o limitado ang paggalaw ng mga residente.

“There are a lot of pros and cons to impo­sing a lockdown, but definitely we have to prioritize the health and safety of our constituents,” anang mayor sa ginanap na emergency meeting ng CIATF.

Binigyang-diin naman ni City Health Officer Dr. Henrietta Bagayao na layunin ng lockdown para sa pagsasagawa ng contact tracing ng daan-daang close contacts o nakasalamuha ng mga nagpositibo sa COVID-19 kasunod ng bagong 67 infections ng nakalipas na linggo na pinakamataas na naitala sa Tabuk City 

Sinabi ni Dr. Bagayao na ang city’s quarantine facilities ay nasa full capacity o overcapacity na kanilang suliranin kung saan isasalpak pa ang ibang mga bagong pas­yente.

Sa huling tala, ang Tabuk City ay may 120 aktibong kaso ng active COVID-19.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with