^

Probinsiya

Top 1 most wanted ng Nueva Vizcaya, timbog

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon

SANTIAGO CITY, Isabela, Philippines — Arestado ang tinaguriang Top 1 most wanted sa lalawigan ng Nueva Vizcaya na nahaharap sa kasong 9 na bilang ng panggagahasa matapos maaresto sa bayan ng Dupax del Norte, ayon sa ulat ng pulisya kamakalawa.

Kinilala ng Dupax del Norte Police ang naaresto na si Renato Diola, 40, magsasaka at residente ng Purok Molave, Barangay Bitnong sa nabanggit na bayan.

Ayon kay P/MAJ. Myla Paguyo, hepe ng pulisya, si Diola ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Judge Paul Attolba Jr., ng RTC Branch 30 sa Bayombong, Nueva Vizcaya kaugnay sa 9 counts of rape sa kanyang pamangkin.

Ayon sa ulat, taong 2016 nang simulang gahasain ng akusado ang noon ay 11-anyos na biktima sa isang masukal na lugar matapos umanong sunduin ni Diola ang biktima sa eskwelahan na ilang beses nasundan hanggang 2019.

Ayon naman kay P/Col. Ranser Evasco, provincial police director, wala inirekomendang piyansa ang korte para sa pansamantalang kalayaan ng akusado. 

vuukle comment

RENATO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with