^
3 sundalo, 2 pa todas sa ambush!
Ang mga nasawi ay kinilala ng Poona Piagapo Police na sina Corporal Albert Saura, Corporal Bryan Binayog at Private Albert Soriano; pawang miyembro ng 3rd Company ng 4th Mechanized Infantry Battalion; habal-habal driver na si Camilo Andog alias “Taba Buwaya” at isang Hadji Amen Sumagumba na nagkataong napadaan lang sa lugar.
STAR/File

3 sundalo, 2 pa todas sa ambush!

Rhoderick Beñez (Pilipino Star Ngayon) - January 16, 2021 - 12:00am

NORTH COTABATO, Philippines — Patay ang tatlong sundalo at dalawang sibilyan matapos silang pagbabarilin habang patawid ng ilog sa Poona Piagapo, Lanao del Norte, iniulat kahapon ng Western Mindanao Command.

Ang mga nasawi ay kinilala ng Poona Piagapo Police na sina Corporal Albert Saura, Corporal Bryan  Binayog at Private Albert  Soriano; pawang miyembro ng 3rd Company ng 4th Mechanized Infantry Battalion; habal-habal driver na si Camilo Andog alias “Taba Buwaya” at isang Hadji Amen Sumagumba na nagkataong napadaan lang sa lugar.

Lumabas sa imbestigasyon na habang tumatawid sa ilog ang tatlong sundalo lulan ng inarkilang habal-habal na tricycle patungong Pantao Ragat, Lanao del Norte nang sila ay pagbabarilin ng mga armadong suspek na sakay ng motorsiklo.

Si Ustadz Su­magumba ay sakay ng pickup truck at patawid sa ilog nang aksidenteng tamaan ng ligaw na bala na kanya ring ikinasawi sa insidente.

AMBUSH
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with