^
Kagawad na HVT tiklo sa droga
Hindi na nakatakas makaraang mabilis na ares­tuhin ang suspek na kinilalang si Brgy. Kagawad Adonis Martinez Valino, 36-anyos, may asawa at residente ng nasabing barangay.
STAR/File

Kagawad na HVT tiklo sa droga

Jorge Hallare (Pilipino Star Ngayon) - January 14, 2021 - 12:00am

CASTILLA, Sorsogon, Philippines — Kalaboso ang isang barangay kagawad na itinuturing na high value target (HVT) at nasa recalibrated drug watchlist ng lalawigan matapos na maaresto sa gina­wang buy-bust operation ng mga pulis at ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Purok-3, Brgy.Milagrosa ng bayang ito kama­kalawa ng hapon.

Hindi na nakatakas makaraang mabilis na ares­tuhin ang suspek na kinilalang si Brgy. Kagawad Adonis Martinez Valino, 36-anyos, may asawa at residente ng nasabing barangay.

Ayon sa ulat, matagal umanong minanmanan ng mga pulis ang malawak na drug operation ng suspek sa lalawigan ng Sorsogon hanggang ilatag ang buy-bust operation dakong alas-3:40 ng hapon.

Nang iabot ni Valino ang isang sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P2,500 sa posuer buyer ay agad siyang dinakma ng mga nakatagong ope­ratiba.

Nakuha rin sa suspek ang tatlo pang malala­king sachet ng shabu.

KAGAWAD SHABU
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with