^

Probinsiya

2 dedo sa road mishaps sa Ilocos Sur

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan , Philippines — Dala­wa katao ang nasawi kasunod sa aksidenteng kinasasangkutan ng mga motorsiklo at truck sa De Pilar at Mag­singal, Ilocos Sur noong Sabado.

Sa report ng pulisya, napisak ang ulo ni Mila Mindaro, 33, nang mahulog siya sa pagkakaangkas sa motorsiklong minamaneho ni Melvin Ngo­ho, 38, saka dinaanan ng gulong ng dump truck sa Poblacion ng bayan ng Del Pilar dakong alas-12:00 ng tanghali.

Nabatid na nawalan ng kontrol si Ngoho sa pagpapatakbo sa motorsiklo saka dumausdos sa kabilang linya at nadaanan ng trak na kasalubong.

Masuwerteng nakaiwas si Ngoho habang nagkalat ang utak ng na­pu­ruhang angkas nitong si Mindaro sa kalsada.

Nasa kustodya na ng awtoridad ang drayber ng trak na si Leo Ambaqued, 39.

Sa Magsingal, nasawi rin si Nathaniel Abo, 39, matapos salpukin ng kanyang motorsiklo ang 10-wheeler truck na biglang lumiko pakaliwa sa Brgy. Barbarit dakong alas-7:00 ng gabi. Sumuko sa mga pulis ang truck driver na si Reymar Quines, 43.

vuukle comment

PULISYA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with