16-anyos na-gang rape sa laklakan!

Nathaniel dela Cruz, Joseph Esguerra at Francis Ngacngac
STAR/File

Nobyo nauna sa pilahan

MANILA, Philippines — Gumuho ang pangarap ng isang 16-anyos na dalagitang Grade 9 student matapos itong halayin ng sarili nitong boyfriend at dalawa pa nitong barkada sa Brgy. San Cristobal, Licab, Nueva Ecija, ayon sa opisyal kahapon.

Ang biktimang itinago sa pangalang Melissa ay halos nasa “state of shock” matapos halinhinang gahasain ng tatlong suspect kasama ng ­nobyo nito noong Biyernes ng gabi.

Nahaharap naman sa kasong rape sina Natha­niel dela Cruz, 19-anyos, nobyo ng biktima; mga barkada nitong sina Joseph Esguerra, 22  at Francis Ngacngac, 24; pawang mga tambay, matapos na maaresto sa isinagawang  follow-up operations ng Licab Police nitong Sabado ng umaga.

Sa ulat ni Police Regional Office (PRO) 3 director P/Brig. Gen. Valeriano de Leon, niyaya umano ni dela Cruz ang nobyang si Melissa na mag-inuman noong Biyernes ng gabi kung saan dumating at nakisali rin sa inuman ang dalawang barkada ng una.

Nang malasing na ang dalagita, sinamantala na ng mga suspek ang kanilang makamundong pagnanasa kung saan nauna ang nobyo nito saka ipinasa sadalawang barkada nito.

“Due to quick police reporting, we were able to locate and arrest the suspects promptly and the necessary police action was conducted,” pahayag ni de Leon.

Show comments