^

Probinsiya

Mister itinumba sa harap ng mosque

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Mister itinumba sa harap ng mosque
Agad nasawi sa lugar ang biktimang Emol Ca­montol, 57-anyos, residente ng Sitio Balatinaw, Malinaw, Gutalac, Zamboanga del Norte dahil sa mga tama ng bala mula sa ‘di pa batid na kalibre ng armas.
Philstar.com/File

MANILA, Philippines — Pinagbabaril ang isang mister sa harapan ng isa sa kanyang mga misis pagkalabas nila sa isang mosque sa Brgy. Sas, Gutalac, Zamboanga del Norte nitong Martes ng gabi.

Agad nasawi sa lugar ang biktimang Emol Ca­montol, 57-anyos, residente ng Sitio Balatinaw, Malinaw, Gutalac, Zamboanga del Norte dahil sa mga tama ng bala mula sa ‘di pa batid na kalibre ng armas.

Sinabi ni Police Regional Office-9 Spokesman P/Captain Edwin Duco, alas-6 ng gabi, katatapos lamang magdasal ng biktima sa mosque kasama ang pangalawang asawang si Enang Camontol  at paglabas nila sa simbahan ng mga kapatid na Muslim ay biglang sumulpot ang ‘di kilalang salarin.

Armado ng malakas na kalibre ng armas, pinagbabaril ng suspek ang biktima habang ma­suwerteng hindi tinamaan ng bala ang ka­samang misis.

vuukle comment

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with