280 mangingisda sa Bulacan inayudahan ng BFAR

MALOLOS CITY, Bulacan, Philippines — Nagsimula nang magkaloob ng ayuda ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR sa unang 280 na mangingisdang Bulakenyo na kapwa naapektuhan ng pandemya at ng nagdaang bagyong Ulysses.

 Ayon kay BFAR Regional Director Wilfredo Cruz, ito ang “Cash and Food Subsidy for Marginal Far­mers and Fisherfolks Program” na ang pondo ay mula sa Bayanihan to Recover as One Act.

 Bawat mangingisdang benepisyaryo ay nilaanan ng tig-P3,000 ayuda na may kasamang 25 kilong bigas, 4.25 kilong manok at 50 na pirasong itlog. 

 Patuloy ang ginagawang pagsusuri ng BFAR sa pamamagitan ng Provincial Agriculture Office upang makita kung sinu-sino pang mga mangingsida ang dapat maging benepisyaryo. 

Show comments