Korean na wanted, timbog sa Angeles City

ANGELES CITY, Philippines — Isang 37-anyos na Korean national na sinasabing wanted sa kasong murder at lulong sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot ang nadakip ng pulisya sa Brgy. Pampang, dito, noong Martes ng gabi.

Sa ulat sa tanggapan ni Police Station 2 commander P/Maj. Francisco Guevarra, kinilala ang suspek na si Gwon Kihun na pansamantalang naninirahan sa isang hotel sa Brgy. Malabanias ng lungsod.

Sa ulat, dakong alas-9:30 ng gabi, bitbit ng mga awtoridad ang warrant of arrest na ini­syu ng korte laban sa suspek ay isinagawa­ ang kanilang operas­yon. Naispatan nila ang dayuhan habang nagmama­neho ng isang kulay puting­ Nissan Terra kaya agad siyang hinarang at dinakip.

Nang kapkapan at suriin ang kanyang sa­sakyan, nakitaan pa ang suspek ng ilang sachet ng hinihinalang shabu na may timbang na 3-gramo na nagkakahalaga ng P5,640.00 at drug paraphernalia.

Show comments