P800K halaga ng marijuana, nasabat
Kinilala ni P/Col Lawrence Cajipe, Bulacan police director ang tatlong naarestong suspek na sina John Frederick Palaje, John Elbern Castro, kapwa ng Brgy. San Juan, Balagtas, Bulacan at Fernan Pacson ng Brgy. Tiaong, Guiguinto, Bulacan.
AFP

P800K halaga ng marijuana, nasabat

Omar Padilla (Pilipino Star Ngayon) - November 27, 2020 - 12:00am

MALOLOS CITY, Bulacan, Philippines — Tinatayang aabot sa P800,000 halaga ng marijuana ang nakumpiska ng Guiguinto police at Drug Enforcement Unit sa tatlong hinihinalang tulak sa isinagawang drug bust operation sa Brgy. Tuktukan, Guiguinto, Bulacan kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni P/Col Lawrence Cajipe, Bulacan police director ang tatlong naarestong suspek na sina John Frederick Palaje, John Elbern Castro, kapwa ng Brgy. San Juan, Balagtas, Bulacan at Fernan Pacson ng Brgy. Tiaong, Guiguinto, Bulacan.

Sa inisyal na imbestigas­yon, dakong alas 11:00 ng gabi nang magsagawa ng buy-bust operation ang nasabing mga operatiba sa nasabing barangay.

Isang nagpanggap na poseur-buyer ang bumili ng droga sa tatlong suspek at aktong iaabot na ang nasabing pinatuyong dahon ng marijuana, doon na pinosasan ang isa sa mga suspek.

Mabilis na dinampot at pinosasan din ng mga duma­ting na pulis ang dalawa pang suspek.

Unang nakumpiska ng mga pulis ang dalawang pirasong plastic sachet ng marijuana at sumunod na nabawi ang pito pang bloke ng dried marijuana leaves na tumitimbang ng pitong kilo.

Ang mga nakumpiskang ebidensya ay dinala sa Bulacan Crime Laboratory para sa laboratory examination.

MARIJUANA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with