Lola pisak sa 10-wheeler

Jorge Hallare (Pilipino Star Ngayon) - November 26, 2020 - 12:00am

PILI, Camarines Sur, Philippines — Kalunus-lunos na kamatayan ang sinapit ng isang 64-anyos na lola matapos mapisak nang mabangga at magulungan pa ng isang 10-wheeler wing van truck sa kaha­baan ng Maharlika national highway sa Zone-1, Brgy. San Agustin, dito kamakalawa ng madaling araw.

Dead-on-the-spot ang biktimang si Benilda Sari Rebaya, residente ng nasabing lugar habang tinutugis na ng mga awtoridad ang driver ng nakasagasang trak na tumakas patungo sa direksyon ng Naga City makaraang mabangga ang matanda.

Sa ulat, dakong alas-4:45 ng madaling araw, ini­hatid ng biktima ang kanyang anak na babae at pinasakay patungo sa Naga City upang pumasok ng trabaho.

Gayunman, nang makasakay ang anak at patawid na ang biktima sa highway ay biglang sumulpot ang rumaragasang truck at nahagip ang matanda hanggang magulungan pa. Sa halip na tumigil ang driver ay mabilis na pinaharuruot ang kanyang truck patakas sa lugar.

BENILDA SARI REBAYA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with