Magdyowa nabundol: Bebot patay

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Isang 35-an­yos na babae ang nasawi habang malubha ang sinasabing nobyo nito matapos masangkot sa aksi­dente ang sinasakyan nilang motorsiklo sa highway ng Barangay Osmeña, Ilagan City, Isabela ka­hapon ng madaling araw (Miyerkules).

Kinilala ni City Chief of Police Lt. Colonel Virgilio Abillera ang nasawi na si Jonalyn Laman habang inoobserbahan ang lagay ng nobyong si Johnny Alfonso, 35, na kapwa taga-Barangay San Andres ng nasabing lungsod.

Ayon sa report, habang pauwi ang mga biktima ay nawalan ng kontrol sa motorsiklo si Alfonso sa pag-iwas sa hindi natukoy na kasalubong na sasak­yan sa kurbadang bahagi ng highway sanhi upang sila ay dumausdos dakong alas-2:00 ng madaling araw.

Namatay noon din si Laman sanhi ng matinding pinsalang tinamo sa ulo habang nakaratay si Alfonso­ sa Governor Faustino Dy Sr. Memorial Hospital.

Show comments