4 patay sa salpukan ng 2 van na nagliyab
Kaagad namatay ang magkapatid na sina Wendel at Carlo Larios, residente ng Mabinay City, Negros Oriental.Habang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng dalawang sakay ng isa pang van.
STAR/ File

4 patay sa salpukan ng 2 van na nagliyab

Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - November 25, 2020 - 12:00am

BACOLOD CITY, Philippines — Apat katao ang nasawi nang mag­liyab ang dalawang van na nagbanggaan sa Valladolid, Negros Occidental kahapon ng  madaling-araw.

Kaagad namatay ang magkapatid na sina Wendel at Carlo Larios, residente ng Mabinay City, Negros Oriental.Habang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng dalawang sakay ng isa pang van.

Batay sa ulat ni Police Capt. Wilfredo Benoman, hepe ng Valladolid Municipal Police Station, bago naganap ang salpukan ng dalawang van,alas-12:15 ng hatinggabi sa pakurbang daan sa Barangay Sagua Banwa, Valladolid ay lulan ng wing van (MZK 1767) ang magkapatid na Larios na papunta sa north direction nang makasalpukan nila ang van na may plakang MHA 4613 na papunta sa Dumaguete City, Negros Oriental upang maghatid ng produkto.

Sa lakas nang salpukan ay kapwa nagliyab ang dalawang van na kung saan ay hindi nakalabas ang mga sakay nito na nasunog sa loob.

Kinakailangan pang gumamit ng cutter ang mga bumbero bago naalis ang mga bangkay sa loob ng dalawang van na halos tu­magal ng mahigit apat na oras.

WENDEL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with