Road mishap: 2 utas, 2 sugatan

Rhoderick Beñez (Pilipino Star Ngayon) - November 25, 2020 - 12:00am

NORTH COTABATO, Philippines — Dalawa katao ang nasawi habang dalawa naman ang sugatan matapos na mawalan ng kontrol ang sinasakyan nilang Isuzu Truck sa national highway Sitio Little Baguio, Brgy. Chua, Bagumbayan, Sultan Kudarat.

Kinilala ang mga binawian ng buhay na sina  Roselo Judilla Bantilan, 31-anyos at Gabriel Judilla Bantilan,35-anyos na pawang residente ng  Brgy. EJC Montilla, Tacurong City.

Sugatan naman ang sakay ng truck na sina Edwin Hiso Tayrus, 31-anyos at Jeric Dela Cruz Hinong,27-anyos pawang residente din ng  Brgy. EJC Montilla, Tacurong City na  sa ngayon ay patuloy pang ginagamot sa pagamutan.

Sa inisyal na pagsisiyasat, naganap ang aksidente alas-4:14 ng hapon, nitong Lunes kung saan binabaybay ng forward Isuzu truck na may temporary plate number 0716-76616 ang kahabaan ng national highway mula sa Senator Ninoy Aquino patungo sa Tacurong City nang mawalan ito ng preno.

NASAWI
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with