Magalong nagpaliwanag sa paghihigpit sa Baguio

Sinabi ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong na stratehiya nila ang paghihigpit upang maging kontrolado ang kakayahang kagamitan at pinansiyal ng lungsod kapag nagkasubuan dahil hindi maiwasang magkakaroon ng kabi-kabilang paglabag sa mga health protocols lalo na sa physical distancing sa kasagsagan ng pagdaraos ng Pasko.
Geremy Pintolo, file

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Ipinaliwanag kahapon ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong na ang pagpapatupad ng istriktong border control nito sa ka­tabing mga bayan ay may layuning mapabagal ang pagkalat ng COVID-19 na inaasahang tataas sa darating na Kapaskuhan.

Sinabi ni Magalong na stratehiya nila ang paghihigpit upang maging kontrolado ang kakayahang kagamitan at pinansiyal ng lungsod kapag nagkasubuan dahil hindi maiwasang magkakaroon ng kabi-kabilang paglabag sa mga health protocols lalo na sa physical distancing sa kasagsagan ng pagdaraos ng Pasko.

Aniya, hindi lamang Baguio City ang makikinabang sa ginagawa nilang paghihigpit kundi pati na rin ang mga kinauukulang katabing munisipalidad.

Matatandaan na naglabas ng kautusan ang alkalde sa paghihigpit nito sa mga residente ng La Trinindad, Sablay, Sablan at Tuba sa pamamagitan ng pagkuha ng health clearances bago makapasok ng Baguio City mula Nobyembre 20 hanggang Disyembre 4.

Sa ngayon, may 2,862 confirmed COVID-19 cases ang Baguio City, 148 ang aktibo habang 39 ang nasawi.

Show comments