^

Probinsiya

Drug pusher dedo sa buy-bust

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
Drug pusher dedo sa buy-bust
Ang suspek na nama­tay noon din ay nakila­lang si Francis Lopez Pesimo, binata at residente ng Zone-6, San Rafael, Brgy.Cararayan.
STAR/ File

NAGA CITY, Camarines Sur, Philippines —  Bulagta ang isang notoryus na tulak ng droga matapos na pumalag sa ginawang buy-bust ope­ration ng mga tauhan ng Regional Police Drug Enforcement Unit at Naga City Police sa Zone-3, Almeda, Brgy. Pacol ng lungsod na ito kamakalawa ng umaga.

Ang suspek na nama­tay noon din ay nakila­lang si Francis Lopez Pesimo, binata at residente ng Zone-6, San Rafael, Brgy.Cararayan.

Sa ulat, dakong alas-2:55 ng madaling araw ay nagkasundo ang suspek at ang pulis na si Cpl. Paul Andromer Caceres na umaktong poseur buyer na magbentahan ng shabu sa naturang lugar.

Gayunman, makaraang iabot ng suspek kay Caceres ang isang sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P15-libong piso ay nakahalata ito makaraang magsilabasan ang mga operatiba na aaresto sa kanya.

Sa halip na sumuko ay bumunot ng baril sa kanyang dalang slingbag at itinutok sa papalapit na mga operatiba dahilan para siya paputukan.

Nabawi sa suspek ang isang Kalibre 38 baril, mga bala, siyam na sachet ng ‘shabu’ at buy-bust money.

vuukle comment

SUSPEK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with