Ex-cop, 2 anak arestado sa droga at baril

Omar Padilla (Pilipino Star Ngayon) - November 12, 2020 - 12:00am

MALOLOS CITY, Bulacan , Philippines — Inaresto ng magkasanib na puwersa ng Meycauayan City police at 1st Provincial Mobile Force Company ang isang retiradong pulis matapos na mahulihan ng mga ilegal na baril at dalawa niyang anak na naaktuhang bumabatak ng shabu sa loob ng kanilang bahay sa Psalm St., Sto. Niño subd., Brgy. Perez, Meycauayan City, Bulacan kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang mga naares­tong suspek na sina  dating SPO4 Cenon Viray Paru­ngao at ang dalawa nitong anak na si Jolly Estrada at Kevin Estrada.

Sa inisyal na imbestigasyon, dakong alas 5:30 ng hapon nang pasukin ng mga otoridad ang bahay ng dating pulis bitbit ang isang search warrant at pagpasok ay naaktuhan ang dalawang anak nito na bumabatak ng shabu.

Sa paghahalungkat sa bahay ay nadiskubre ang mga matataas na kalibre ng bala ng baril na walang lisensiya tulad ng isang 12 gauge sgot gun (Mossberg), 5 live ammunition for shot gun, pitong bala ng cal. 5.56, 25 bala para sa cal. 9mm at 3 tatlong basyo ng bala para sa cal. 5.56.

Nahaharap sa kasong paglabag sa PD 1866 (Comprehensive Firearms and Ammunition Act) ang retiradong pulis habang paglabag sa Dangerous Drugs Act naman ang kakaharaping kaso ng dalawa nitong anak.

POLICE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with