^

Probinsiya

Lolo nanguha ng suso, nilamon ng ilog

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

LUCENA CITY, Philippines — Lumubo at nag-uumpisa nang maagnas ang katawan ng isang 67-anyos na lolo na hinihinalang tinangay ng malakas na agos ng baha sa ilog habang nangunguha ng snail o suso kamakalawa ng hapon sa Brgy. Ibabang Iyam, dito.

Kinilala ng kanyang mga kaanak ang biktima na si Ricardo Manalo ng Purok Maligaya, Barangay Gulang-gulang.

Base sa ulat na tinanggap ni P/Lt. Col. Romulo Albacea, chief of police dito, dakong ala-1:40 ng hapon habang nangunguha ng mga plastic na bote sa tabing ilog ang 11-anyos na batang babae nang mapansin niya ang isang tila malaking laruang teddy bear na nakasiksik sa mga inanod na basurang kasama ng pagbaha sa ilog ng Iyam. Nang kanyang lapitan ay natakot siya at agad na ipinagbigay-alam ito sa kanyang lola kaya dito nakumpirmang bangkay ng lalaki ang natagpuan.

Sa morgue ay kinumpirma ni Fe Manalo, 47, na ang biktima ay ang kanyang ama na nawala noong Oktubre 23, 2020. Nagpaalam umano ang ama na mangunguha lang ng suso sa ilog ng Dumacaa upang lutuin at ipang-ulam subalit hindi na nakauwi. 

vuukle comment

ROMULO ALBACEA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with