P50 milyong pinsala sa agrikultura
Sinabi rin ni Benitez na unang bahagi pa lamang ang nakakalap na pinsala ng kanyang tanggapan at inaasahang tataas pa ang halaga ng pinsala kapag narating ng kanyang mga kawani ang mga lugar na kasalukuyang lubog sa baha.
Released/RDRRMC CALABARZON
P50 milyong pinsala sa agrikultura
Raymund Catindig (Pilipino Star Ngayon) - October 27, 2020 - 12:00am

TUGUEGARAO CITY, Philippines — Umabot sa mahigit na P50 milyon ang inisyal na halaga ng pinsala sa agrikultura  livestock at fisheries dulot ng malawak na pagbaha sa anim na bayan ng hilagang Cagayan base sa paunang pagtaya ng Provincial Agriculture Office kahapon.

Tinukoy ni Provincial Agriculturist Danilo Benitez ang mga naapektuhang bayan na Pamplona, Sta. Praxedes, Sanchez Mira, Claveria, Allacapan at Abulug.

Aniya mahigit dalawang libong ektarya ng Palayan, Maisan at palaisdaan ang sinalanta ng pagbaha na nagsimula noong Huwebes.

Sinabi rin ni Benitez na unang bahagi pa lamang ang nakakalap na pinsala ng kanyang tanggapan  at inaasahang tataas pa ang halaga ng pinsala kapag narating ng kanyang mga kawani ang mga lugar na kasalukuyang lubog sa baha.

“Malaking kawalan ito sa ating mga magsasaka, lalo pa at may kinakaharap tayong pandemya. Marami sa ating mga magsasaka ang umaasa sa kanilang mga ani sa panahon na ito,” ani ni Benitez.

AGRIKULTURA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with